Monday, May 5, 2014

Hospital na parang Ghost House? Alamin!


Ang usapin sa kalusugan ang isa sa pinaka importanteng serbisyo na dapat mabigayang pansin at natutugunan sa ating lalawigan, ngunit hanggang ay nababalot parin ng hiwaga at usap-usapan ang ating ospital.


Marami sa ating mga kakabayan ang nagtatanong kung anu na nga ba talaga ang nangyari dahil magiisang taon na mula noong pasinayaan ito mismo ng kalihim ng Department of Health na si Sec. Enrique Ona ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nabubuksan at tila nakatengga na lamang.



At ang storya sa likod ng pagpapalit ng pangalan ng Marinduque Provincial Hospital sa Dr. Damian Reyes Memorial Hospital.

Dahil sa kagustuhan naming makakuha ng agarang sagot ukol sa usaping ito, nagpadala kame ng mensahe sa kabiyak ng head ng Provincial Health Office at kasalukuyang Member ng Sangguniang Panlalawigan 1st District na si Bokal Tet Caballes. (Ito ay dahil hindi naming makita ang FB account ni Dr. Gerry Caballes)



Ngunit sa kasamaang palad ay hindi kame nakakuha ng sagot mula sa kanya.

Kaya’t muli kaming nagpadala ng mensahe sa kasalukuyang Director na si Dr. Raymond Sulit.



Ngunit hindi rin kame napagbiyan ng sagot ni Dr. Sulit.

Sa ating ginawang pagsasaliksik, Sa pakikipag ugnayan ni Governor Carmencita O Reyes at ng Marinduque Provincial Capitol sa Department of Health, nakapaglaan ng 30 Milyong piso ang departamento noong taong 2011 para sa pagpapagawa ng sariling building, water purification system at madagdagan ang bilang ng maseserbisyohan ng ating hospital.

Ang kompanyang DQT Builders Corporation (dating DQT Builders) ang naging contractor na nakakuha ng award sa pagsasaayos ng Phase 1 ng ating Hospital. Sinasabing ang kompanyang ito ay pagmamay-ari ni Percival Morales, dating Mayor ng Sta. Cruz Marinduque.


Natapos ang nasabing building noong Pebrero 2013, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi parin ito nabubuksan dahil ayon sa tala ng DOH na siyang naging implementing agency ay nakitaan nila ito ng mga discrepancy tulad ng mga crack na makikita sa iba’t ibang bahagi ng gusali at sinasabing substandard ang ibang mga materyales na ginamit dito.

Hindi rin ma-turn over ng DOH ang iba pang mga makabangong kagamitan ng Ospital dahil dito.

Sa kasamaang palad, bago matapos ang taong 2013 ay muling na-award ng Department of Public Works and Highways ang pagpapawa ng Phase II ng hospital sa DQT Builders Corporation kung saan maglalaan ang DPWH ng 40 Milyong piso para dito.

Ngunit hindi pumayag ang kawani ng DOH na masimulan ang pagpapagawa ng Phase II hanggang hindi nila inaayos ang kanilang kakulangan.

Hanggang sa ngayon ay wala paring detalye kung kailan balak ayusin ng DQT Builders Corporation ang nasabing building ngunit sa kasalukuyan ay nagagamit na ito bilang Administrative Building.

Ukol naman sa pagpapalit ng pangalan, noong nakaraang August 8, 1980 ay inapurbahan ng Gobernador ng Marinduque na si Gob. Aristeo M. Licaroz ang Sangguniang Panlalawigang Resolution # 88-49 na naglalayong palitan ang pangalan ng Marinduque Provincial Hospital at gawin itong Dr, Damian Reyes Hospital.

Matagal din naging magkalaban sa pulitika ang pamilyang Reyes at Licaroz.

Magtanong, Alamin at Magimbestiga dahil Iba na ang may alam kabayan!


No comments:

Post a Comment