Sunday, December 1, 2013

Kalahating Bubong na Covered Court sa Gasan.

Isang mensahe sa ating facebook account ang humihingi ng sagot sa kanyang katanungan ukol sa isang proyekto na ipinagawa sa kanilang paaralan.


(minabuti po nating hindi na ipakita ang pagkakakilanlan ng ating complainant para rin sa kanyang kaligtasan.)


Ang nasabing covered court ay ipinagawa ng dating Congressman Lord Allan Velasco.



Agad naming pinuntahan ang sinasabing Covered Court at aming nakumpira ang sumbong.

Ayon sa mga gurong ating naka-usap, Enero palang ng nakaraang taon nagsimula ang pag sasa-ayos ng covered court na ito at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito natatapos dahil sa kakulangan sa pondo.



Sa mga litratong ito, makikitang mayroon pang ginaganap na pagpupulong ang mga guro at magulang ng Bognuyan National High School at nag sisiksikan lamang sila sa isang gilid upang maiwasan ang matinding init.


Hindi rin nila nagagamit ang stage dahil tanging apat na beam lamang ang nakatayo dito at wala parin itong bubongan.

Inalam din namin kung magkano at kailan narelease ang pondo para sa proyektong ito.

Ayon sa tala ng Department of Budget and Management (DBM), ang sangay na namamalaha at nagrerelease ng pondo para sa Priority Assistance Development Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na "Pork Barrel" ng mga kongresista.

Makikita sa kanilang website, 

http://pdaf.dbm.gov.ph/index.php?r=Site/Project_breakdown2/legislatorId/403/districtID/328/projectId/201125/fy/2011


Na noon pang November 24, 2011 narelease ang tumatagingting na Apat na Milyong Piso (P4,000,000.00) ng DBM para sa nasabing proyektong ito. Ngunit makikita naman sa mga larawan na hanggang sa ngayon ay hindi parin ito natatapos.

Amin ding tiningnan ang website ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naging Implementing Agency ng nasabing proyekto upang malaman kung sino ang naging contractor at status nito.

http://www.dpwh.gov.ph/infrastructure/pdaf/index.htm

Ilang beses naming inisa-isa ang listahan ng mga proyekto, ngunit nakapagtakang wala sa kanilang tala ang nasabing proyektong ito.

Pinilit namin hingiin ang panig ng dating Congressman Allan Jay Velasco sa kanyang facebook account hingil sa nasabing proyekto, ngunit hanggang sa ngayon ay wala parin siyang sagot sa amin.


Umaasa kami na sa mga susunod na araw ay magkaron na ng kalutasan ang problema sa proyektong ito dahil sayang ang pera ng taong bayan na pinondo para dito.




No comments:

Post a Comment