Isang mensahe nanaman po ang aming natanggap patungkol sa isang pinagawang barangay hall sa Cawit, Boac na hanggang sa ngayon ay hindi pa natatapos.
(Muli, pinilit naming hindi ipakita ang kayang pagkaka-kilalanlan para na rin sa kanyang proteksyon.)
Agad kameng nagtungo sa nasabing barangay hall upang makumpirma ang sumbong.
Agad kameng nagtungo sa nasabing barangay hall upang makumpirma ang sumbong.
Sa mga litratong inyong makikita, patunay lamang na hanggang sa ngayon ay hindi parin ito natatapos.
Makikita sa larawan na ang unang palapag palamang ng gusali ang may palitada.
Ang isang bahagi ng ikalawang palapag ay hanggang sa ngayon wala paring bubongan.
Wala pa ring bintana at pintuan.
Sa estado ng gusaling ito, tiyak hindi pa talaga ito pwedeng gamitin.
Kung atin itong ihahalintulad sa isang pinapagawang bahay.
Ayon sa aking nakuhang datos mula sa Gawad Kalinga, ang isang Core Shelter na tulad nito ay nagkakahalaga lamang ng P100,000.00 hanggang P110,000.00 kada unit.
Mayroon na rin itong kasamang palikuran, maliit na lababo, bintana at napinturahan na rin ang labas na bahagi nito.
Mayroon na rin itong kasamang palikuran, maliit na lababo, bintana at napinturahan na rin ang labas na bahagi nito.
Kaya't muli naming inalam kung magkano ang pinondo ng ating Gobyerno para proyektong ito.
Ayon sa tala ng Department of Budget and Management,
na dito makikita: http://pdaf.dbm.gov.ph/index.php?r=Site/Project_breakdown2/legislatorId/403/districtID/328/projectId/215281/fy/2012
Noong May 04, 2012, (halos isang taon na ang lumipas) naglabas ang ahensya ng halagang P1,000,000.00
(Isang Milyong Piso) para sa proyektong ito at ang DPWH - Marinduque District Engineering Office ang naging Implementing Agency.
Kung ihahalintulad natin ito sa proyekto ng Gawad Kalinga, makakagawa na sila ng 10 hanggang 9 na Core Shelter sa pondong ito.
"Given the benefit of the doubt" na ang pinagawang barangay hall ay 2 palapag at sabihin narin nating malawak ang espasyo nito kesa sa isang Core Shelter.
Masasabi natin kahit hindi tayo isang inhinyero o arkitekto, sobra sobra parin ang Isang Milyong Pondo para matapos ang gusaling ito.
Amin ding tiningnan ang website ng DWPH upang alamin kung anu na ang "status" ng gusaling ito.
na dito makikita:
Inisa-isa na namin ngunit bigo parin kameng makita ang nasabing proyektong ito.
Sinikap narin naming hingiin ang panig ng kampo ng dating Congressman Lord Allan Velasco upang malaman ang iba pang mga detalye ng nasabing proyektong ito.
Sa kadahilanan na hindi kame sinagot noon ng dating Kongresista, sinubukan naming ipinadaan ang reklamong ito sa kanyang butihing may bahay na si Mrs. Wen Velasco.
Ngunit sa kasamaang palad ay wala rin kameng nakuhang tugon mula sa kanya. Pero makikita sa larawan na nakita o nabasa niya ang aming mensahe.
Kagustuhan lamang po naming maiparating sa ating mga kababayan kung saan napupunta ang buwis na kanilang binabayad.
Wala po kameng ninais na siraan sa paghahabol naming ito. Gusto lamang po naming ipahatid sa ating mga kababayan kung anu ang nararapat na Serbisyo Publiko para sa kanila.
Kaya dapat tayo ay laging handang magmasid, maki-alam, bantayan! Kung saan napupunta ang pondo ng ating bayan!